Sabado, Mayo 19, 2012

Reaksyon sa Pirated DVD

Sa bawat araw marami ang na aadik sa tinatawag nating pannood ng mga pelikula pero para sa akin nasa kultura na natin ang ganitong gawain buhat pa noong tayo ay nagkaroon o na imbento ang mga pelikula isa na dito ang panonood natin sa sine, pero na iisip ba natin ang epekto o mga nagawa natin para lang makapanood ng mga bagong pelikula tulad ng pagbili ng mga piratang DVD. Hindi natin makakaila na na-aadik na tayo sa ganito pero bahagi na rin ng isang kulturang popular ang pagbili ng mga piratng DVD. Sapagkat kapag ikaw ay bibili ng orihinal ay napaka mahal pero kung pirata ay mura almang ganyan ang mga nasa isip ng mga tao ngayon. haindi masama ang maging masaya pero hindi natin iniisip na nakakagawa tayo ng masama sa atin kapwa sinisira natin ang kanilang kabuhayan at mas lalo pa natin ipinapakita sa mga bata ang masamang gawain. kaya't isipin mabuti ang ginagawa sa ngayon dapat ang gobyerno ang nagkokontrol o nagpapakita ng maling ginagawa sa pagpuksa pero pawang sila pa ang nangunguna sa ganitong gawain.

Reaksyon sa Online Games

        Sa pagdaan ng panahon marami sa atin ang nahuhumaling sa tinatawag nating Online Games, subalit tama ba na tangkilikin natin ito? Hindi natin makakaila ang pagiging popularidad ng Online Games sapagkat marami sa mga kabataan  ang na aadik sa ganitong Kulturang Popular at ang iba pa nga dito ay naaapektohan ang kanilang pag-aaral.Sa aking pananaw ay hindi masama ang mabigyan ng kasiyahan ang mga kabataan natin ngunit dahil na rin sa maling paggamit at subrang paggamit sa online games nagiging masama ito sa atin.Kailangan ang gabay ng mga magulang at tamang pag unawa sa mga bata at ipa intindi sa kanila ang  mga dapat na gawin. Subalit may ibang mga magulang ang pinababayaan ang mga anak sa ganitong gawain.

Biyernes, Mayo 18, 2012

Reality show bilang isang kulturang popular

Marami sa atin ang tumatangkilik sa mga reality show, pero alam ba natin na marami itong nadulot na masama at mabuti para sa tao? Alamin  muna natin ang tinatawg na reality show, reality show ang tawag sa mga palabas sa telebisyon tulad ng PBB, Wow mali, The biggest loser, Survivor at iba pa na kung saan ay pawang makatotohanan hindi scripted at lalong-lalo na naipapakita ang totoong reaksyon ng isang tao. May mabuting nagawa ang reality show isa na dito ay ang ipinapakita ang tunay na ugali ng isang tao, may napupulot din tayong mabuting aral at higit sa lahat ay nagbibigay ng kasiyahan sa lahat, ngunit kung may mabuti man itong nagawa o naidulot mayroon din itong masamng na naidulot sa atin isa na dito ang kawalan ng oras sa iyong ginagawa, pinapahina ang ating memorya o katalinuhan , pagka adik at mayroon din tayong makikita na hindi magandang ugali kaya ay ginagaya ito ng mga kabataan. Maaari natin ito maiwasan kailangan ay nandiyan ang mga magulang upang gabayan ang kanilang mga anak sa panonood at upang maiwasn ang ganitong pangyayari katulad ngayon sa PBB, ang mga kabataan sa loob ng bahay ni kuya ay sila yung ginagawang modelo o tinatangkilik ng maga kabataan ngayon.

Huwebes, Mayo 17, 2012

Fashion at Metrosexual



                     Fashion at metrosexual isa sa mga kulturang popular, una natin bigyan ng reaksyon ang Fashion, fashion ang tawag sa mga usong damit, accessorya ,sapatos,bg at iba pang mga bagay na tumutukoy sa fashion. ang bawt tao ay may kanya-kanyang istilo sa pananamit na kung saan ay naipapakita ang kanilang uagli, subalit hindi lahat ay mahuhusgahan natin ang kanilang personalidad may mga tao talagang likas na sa kanila ang pagiging sunod sa uso o fashionista, fashionista naman ang tawag sa mga taong labis na tumatangkilik sa mga produktong popular talaga at ito ay inirarampa nila saan man sila pumunta, ngunit may ilan naman sa kanila ginagamit ang fashion upang matago nila ang kaniulng pagkatao at dito papasok ang tinatawg nating metrosexual  na kung saan yung mga lalaking napagkakamalan na bakla , dahil sa kanilang mga gawain na daig pa ang  mga tunay na babae sa pagpapaganda at pag-aayos. Alam naman natin na malaki ang ating paghanga sa mga metrosexual dahil sa kanilang karisma na naipapakita sa madla, at nakakatutulong din ito sa kanila lalong-lalo na sa mga artista upang maging maayos at kaayaaya silang tignan, ngunit hindi lahat ng metro ay ganito may mga metrosexual din na tinatago ang kanilang pagkatao sa madla kaya ang iba ay malayang nakikipagsalamuha sa ibang tao. Kaya kung minsan ay hindi natin matukoy na tunay na lalaki ba sila o pawang pagkukunwari lamang ang ginagawa  nila. Marami sa atin ang nag iisip na tama  ba ang pagiging metrosexual ng isang tao.

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Teknolohiya isang Kulturang Popular

Ang kulturang popular ay maraming nagawa  sa atin. Dahil sa paglaganap ng kulturang popular marami itong nabuhat na mga pagbabago na kung saan ay masasabi nating nakadulot ng malaking epekto sa mga tao.Mga epektong nakatulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay kagaya ng paggamit ng cellphone na nakatulong upang magkaroon ng komunikasyon kahit na magkalayo pa ang mga tao, computer na isa pang teknolohiya  na naglalapit sa mga tao dahil sa social networking site na nagkokonekta sa mga tao sa iba't-ibang lugar at mga iba pang teknolohiya na nakatulong para punan ang ating mga pangangailangan . Bagama't maraming kabutihang naidulot ang kulturang popular sa atin, may masama rin itong epekto gaya lamang sa sobra nating pagkadepende sa cellphone lahat na lang ng tao ay dinadaan sa text ang interaksyon na nabubuo sa mga tao na kung saan ay masama ito.
               Kaya't lagi lamang nating pakakatandaan na lahat ng sobra ay nakakasam, at lahat ng bagay ay may hangganan, kaya tayo ay maging responsable sa ating ginagawa, maglagay tayo ng limitasyon sa paggamit ng bagay-bagay at higit sa lahat dapat matutong makontento.

Martes, Mayo 15, 2012

Pagkain anyo ng Kulturang Popular





             Alam naman natin na mahilig tayong mga pinoy sa iba't-ibang uri nag pagkain mapa mura man ito at kahit saan ka man pumuntang lugar o probinsiya makikita  ang tatak ng bawat probinsiya sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pagkain na inihahanda ng kanilang mga mamamayan. At ang mga pagkain na lalong nakikilala ay parte na rin ng isang kulturang popular, sapagkat tinatangkilik natin ang mga mga ito hindi natin iniinda ang kahirapan ay kung may matitira pa bang pera sa atin, pero hindi lahat ay makakakuha ng abot kaya dahil pawang may pera lamang ang may kakayahang bumili ng tinatawag nating mga popular na pagkain, alam naman natin bawat panahon ay nag-iiba ang lasa ng tao sa pagpili ng pagkain subalit napapalitan ito ng mga bago pang tuklas na pagkain na kung saan ay habang tumatagal ay nagiging mahal ang kalidad nito. Ngunit sa kaligayahan na ibinibigay ng mga pagkain ay nawawala ang pangamba sa kamahalan ng pagbili nito, ganyan ang tinatawag nating satispaksyon sa isang kulturang popular.

Lunes, Mayo 14, 2012

Facebook

        




 Facebook ito ay isang site sa internet, marami sa atin ang popular sa Facebook, pero bago pa man na uso ang tinatawag nating friendster, sa friendster tayong unang natutong maglagay ng ating emosyon at magdiskubre,subalit sa pagdaan ng panahon umusbong ang tinatawag nating Facebook, naging patok ito sa madla mapa bata man o matanda katulad ni lola teche na ating unag nakita sa mga adbertisment ang bawat isa ay may reaksyon pero sa aking pananaw at reaksyon ay may mabuti pa lang nagawa ang facebook sa atin isa n dito ang pangmadaliang komunikasyon sa bawat miyembro ng pamilya nasa malayo man sila, ngunit  hindi lang mabuti ang nadudulot ng Facebook may masama din itong nadulot sa atin tulad ng pagkawala ng pagkapribado ng ating buahay, pagkakahiwalay ng dalawang tao at higit sa lahat ang pagtaas ng krimen sa ating bansa na kung saan maraming napapahamak sanhi ng tinatawag nating Facebook hindi naman masasabing ang facebook ay masama at ang dala nito sa atin kundi tayo ang gumagawa ng paraan na maging dulot ng masamang mga gawain at masamang epekto na labis natin inaabuso ito.

ayon sa akin

"Hindi lahat ng popular ay kaya ng mahihirap, hindi lahat ng uso ay patok sa lahat ng oras."

Linggo, Mayo 13, 2012

Kulturang popular,mabuti o hindi?

 Sa Nagadaang panahon marami ang naging patok sa larangan ng pananamit,pagkain,komersyal, lugar, telenobela at marami pa. Pero sapat na ba ito upang maging basehan ng pagiging maunlad ng ating ekonomiya? nakabubuti ba ito sa ating pang araw-araw o nakakasama sa atin? Ito ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan bilang isang kabataan na gumagaya sa kung ano ang uso o in, pero bago ang lahat ano ba ng tinatawag nating Kulturang Popular? Ito ay ang mga produktong tinatangkilik sa kasalukuyan mga produktong uso sa panahon ngayon masasabing maraming mabutinh naidudulot ang kulturang popular sapagkat nagbibigay ito ng kasiyahan at aliw sa ating mga buhay, ngunit sa dakong banda ay masasabing may maling epekto din ito sa atin katulad na sa mga mahihirap hindi lahat ng uso ay makukuha dahil sa kapos sa pinansyal na pangangailangan, katuald ng sa text at computer nawawalan tayo ng oras sa pag-aaral at panahon sa ating sarili at nagdudulot din ito ng sakit sa ating a katawan at isipan katulad ng pagkalulong sa internet games. Kayo Masasabi niyo bang Mabuti Ang dulot nito o masama, nasa inyo ang desisyon panahon na upang buksan ang inyong isipan at alamin ang sariling opinyon.