Martes, Mayo 15, 2012

Pagkain anyo ng Kulturang Popular





             Alam naman natin na mahilig tayong mga pinoy sa iba't-ibang uri nag pagkain mapa mura man ito at kahit saan ka man pumuntang lugar o probinsiya makikita  ang tatak ng bawat probinsiya sa pamamagitan ng kani-kanilang mga pagkain na inihahanda ng kanilang mga mamamayan. At ang mga pagkain na lalong nakikilala ay parte na rin ng isang kulturang popular, sapagkat tinatangkilik natin ang mga mga ito hindi natin iniinda ang kahirapan ay kung may matitira pa bang pera sa atin, pero hindi lahat ay makakakuha ng abot kaya dahil pawang may pera lamang ang may kakayahang bumili ng tinatawag nating mga popular na pagkain, alam naman natin bawat panahon ay nag-iiba ang lasa ng tao sa pagpili ng pagkain subalit napapalitan ito ng mga bago pang tuklas na pagkain na kung saan ay habang tumatagal ay nagiging mahal ang kalidad nito. Ngunit sa kaligayahan na ibinibigay ng mga pagkain ay nawawala ang pangamba sa kamahalan ng pagbili nito, ganyan ang tinatawag nating satispaksyon sa isang kulturang popular.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento