Linggo, Mayo 13, 2012

Kulturang popular,mabuti o hindi?

 Sa Nagadaang panahon marami ang naging patok sa larangan ng pananamit,pagkain,komersyal, lugar, telenobela at marami pa. Pero sapat na ba ito upang maging basehan ng pagiging maunlad ng ating ekonomiya? nakabubuti ba ito sa ating pang araw-araw o nakakasama sa atin? Ito ang mga tanong na gumugulo sa aking isipan bilang isang kabataan na gumagaya sa kung ano ang uso o in, pero bago ang lahat ano ba ng tinatawag nating Kulturang Popular? Ito ay ang mga produktong tinatangkilik sa kasalukuyan mga produktong uso sa panahon ngayon masasabing maraming mabutinh naidudulot ang kulturang popular sapagkat nagbibigay ito ng kasiyahan at aliw sa ating mga buhay, ngunit sa dakong banda ay masasabing may maling epekto din ito sa atin katulad na sa mga mahihirap hindi lahat ng uso ay makukuha dahil sa kapos sa pinansyal na pangangailangan, katuald ng sa text at computer nawawalan tayo ng oras sa pag-aaral at panahon sa ating sarili at nagdudulot din ito ng sakit sa ating a katawan at isipan katulad ng pagkalulong sa internet games. Kayo Masasabi niyo bang Mabuti Ang dulot nito o masama, nasa inyo ang desisyon panahon na upang buksan ang inyong isipan at alamin ang sariling opinyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento